Prologue
Sa unang pagkakataon, ako ay gumawa ng isang “blog” kung saan makikita ng buong mundo kung ano ang mga ginagawa ko sa buhay, pinagkakaabalahan, mga escapades, at kung anu-ano pa. Hindi naman ako isang writer, at lalong hindi ako magaling magsulat - pero ibabase ko ang pagsusulat sa blog na ito sa streamline ng aking pag-iisip, i.e. kung ano ang lumalabas sa isip ko, ayun ang isusulat ko, kaya paumanhin kung minsan magulo ang masusulat dito sapagkat minsan ay magulo ako mag-isip :p
Sana lang ay makapagpasaya ako ng tao, maka-inspire at maging inspired sa pamamagitan ng mga iilang akda na malalathala sa aking Tumblr. Masyado ba ako magtagalog? Napansin ko kasi na kapag ang isang tao ay gumagawa ng blog (lalo na sa mga kaibigan ko sa Facebook) ay inglisan ng inglisan. Para maiba naman, saka hindi ba maganda kung tatangkilikin mo ang sarili mong wika bago ang dayuhan? Sabagay, kanya-kanya namang trip yan.
Hanggang dito na lamang ang aking Prologue. Masyado ata mahaba ito para sa isang paunang salita. Hanggang sa muli mga friends, abangan ang mga kapanapanabik na posts mula sa inyong abang lingkod! :)
Isang mapagpalang araw sa ating lahat!